Philex, mining firms ng RP blacklisted sa UN

UMALMA ang isang militanteng grupo matapos ihayag ng United Nations Global Impact na blacklisted sa kanila ang ilang kumpanya sa bansa.

Pinakamalaki sa binasura ng UN ay ang Philex Mining Corporation, dahil sa paulit-ulit na paglabag sa pagsusumite ng kanilang Communication on Progress (COP).

Ang COP ay ginagamit ng UN Global Compact upang masigurong nasusunod nila ang integrating sustainability principles sa pagmimina sa kanilang mga operasyon.

Sinisiguro rin nito ang kunsiderasyon sa mga tradisyon ng lugar, hindi paglabag sa karapatang pantao, labor standards, pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran at pag-iwas sa corruption.

Ayon kay Alyansa Tigil Mina National Coordinator Jaybee Garganera, hindi na dapat pagtakhan pa kung bakit naireklamo sa Global dahil alam ng lahat na lumalabag sila sa mga panuntungan ng pagmimina.

Ang Philex ay nasa Northern part ng Pilipinas mula pa noong 1958. Nenet Villafania

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply