Philtobo Gintong Lahi Festival aarangkada sa pista

INAASAHANG dadagsain ng racing aficionados ang karerahan upang saksihan ang selebrasyon ng PHILTOBO “Araw ng Parangal ” Gintong Lahi Racing Festival na gaganapin sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Nakatakdang ilarga ang 12 karera kung saan lahat ay puro title race o  lahat ng races ay may nakalaang premyo.

Isa sa mga hihintayin ng mga karerista ay ang race 5, ang pinakamataas ng dibisyon na naka linya sa araw na ito.

Walong dekalidad na kabayo ng bansa ang maglalaban sa nakalaang added prize sa event na inisponsoran ng Philtobo at Hi-Grade Ridgemont.

Kabilang sa mga kalahok si 2010 Presidential Gold Cup runner up Righthererightnow na rerendahan ni many-time Philippine Sportswriters Association (PSA) jockey-of-the-year awardee Patty Ramos Dilema.

Makakaharap ni Righthererightnow ang galing sa dalawang sunod na panalong si Tiger Moon na rerendahan ni class A rider Kelvin Abobo at ang nagbabalik at stakes race veteran Well Well Well na gagabayan naman ni star jockey Jonathan “Unoh” Hernandez.

Ang ibang kasali sa event na may distansyang 1,600 meter race ay sina Thotis Best, My Promise, Gastambide, Magic Minx at Botbo. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply