Pichay: Wala akong natanggap na ‘payola’

PINABULAANAN ni Local Water Utilities Administration (LWUA) Chairman Prospero Pichay na nagpupunta siya sa tanggapan ng Armed Forces chief  noong siya ay kongresista pa upang komolekta ng P500,000 bilang “payola” sa pagtatanggol sa Kongreso ng badyet ng militar.

Sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee Biyernes, Pebrero 18, hinamon ni Pichay ang komite na kunin ang log book ng tanggapan ng hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang matuklasan kung may katotohanan ang paratang.

“To set the records straight In this hearing that Colonel Rebusa has prepared the amount of P500,000 to be given to me every time I went to the office of the chief staff, I have never visited the office of (former) General (Diomedio) Villanueva, perhaps you can check the log book of visitors going to the office of the chief of staff,” ayon kay Pichay.

Aniya, una siyang nagpunta sa Camp Aguinaldo nang dumalo sa isang command conference hinggil sa problemang pang-seguridad ng bansa bilang chairman ng House committee on national defense.

Sa puntong ito, humingi ng permiso si Pichay na tanungin ang chairman ng patungkol kay Rebusa kung nakita niyang personal ang kanyang katauhan na nagpunta sa tanggapan ni Villanueva.

Ito ay sinagot naman ni Rabusa ng “hindi.”

“I did not see him personally. I have stated that in my affidavit,” paliwanag ni Rebusa sa komite.

Pabirong sinabi ni Pichay na kung may nakalaang P500,000 para sa kanya mula sa sinasabing “payola funds” ng AFP, dapat niya umanong kolektahan ito dahil hanggang ngayon ay wala pang napapasakamay sa kanyang ganoong halaga. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply