Pierce, Allen liyamado sa NBA-All Star 3-point contest

SA DARATING na Sabado (Linggo, Pebrero 19 sa Pilipinas), magaganap ang 3-point contest sa NBA All-Star Game kung saan ay kalahok ang anim na shooters na galing sa iba’t-ibang team na gaganapin sa Los Angeles.

Dalawa sa kasali ay mga player ng Boston Celtics – ang defending champion na si Paul Pierce at ang all-time leader sa most three-pointers made na si Ray Allen.

May mga predictions ng nagaganap at sila Allen at Pierce ang sinasabing nakakaangat sa laban.

“Paul has been talking all day,” sabi ni Allen noong Miyerkules bago matapos ang first half kontra New Jersey Nets.

Ayon kay Allen hindi siya magpa practice dahil nagbago ang distansya simula ng manalo siya noong 2001.

“I shoot that shot every day,” sabi ni Allen, na binura ang record ni Reggie Miller nakaraang Linggo matapos isalpak ang 2,563 na 3-points. “I do this in my sleep – literally. I was thinking about it last night, shooting the basketball.”

Si Pierce ay may 1,542 3-pointers sa kanyang career nasa 12th place siya kapareho ni Tim Hardaway.

Ang ibang kalahok  ay sina Kevin Durant ng Oklahoma City Thunder, Dorell Wright ng Golden State Warriors, James Jones ng Miami Heat at Daniel Gibson ng Cleveland Cavaliers.

Samantala, sa NBA regular season action, sinuwag ng Chicago Bulls ang San Antonio Spurs, 109-99. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply