Pilipinas pinaghahandaan na ang ‘pagganti’ ng Taiwan

NAGHAHANDA na ang gobyerno ng Pilipinas sa posibleng pagganti ng Taiwanese government kasunod sa deportasyon ng 14 Taiwanese nationals sa mainland China.

Ito ay matapos na mas naghigpit ang Taiwan sa pagtanggap sa aplikasyon ng mga Pinoy na nais magtrabaho sa naturang bansa.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima, naghahanda na sila para sa pinakamalalang puwedeng mangyari kung saan kinakailangan na rin ang inter-agency efforts.

Bukod dito, nakikipag ugnayan na rin ang Pilipinas sa business communities at pribadong sektor upang makatulong sa anumang magiging epekto ng hindi pagkakasundo ng gobyerno ng Taiwan at Pilipinas.

Muling iginiit ni de Lima na hindi hihingi ng paumanhin ang gobyerno ng Pilipinas sa deportasyon sa Taiwanese nationals sa China.

“There is no reason for us to apologize,” ayon kay de Lima.

Matatandaang inaresto ang 14 Taiwanese ng National Bureau of Investigation (NBI) sa magkakahiwalay na lugar sa Makati, Parañaque, Muntinlupa at Quezon City makaraang positibong itinuro na nambibiktima ng mga Tsinoy sa pamamagitan ng pag-access sa kanilang pera gamit ang internet at telecommucation devices. Teresa Tavares

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply