Pilita Corrales, Lotlot de Leon, di pa rin magkasundo

WALA raw balak si Lotlot de Leon na kausapin ang kanyang biyenang si Ms. Pilita Corrales nang makatsikahan namin ito kamakailan.

“Whatever na nangyari sa amin, huwag na lang nating pag-usapan. Darating din naman kami sa ganoon stage na mag-uusap din, hindi pa lang sa ngayon,” pahayag ni Lotlot.

Tungkol naman sa kanila ng ex-husband na si Christopher Gutierrez, okey naman raw sila at maganda pa rin naman daw ang kanilang samahan bilang magkaibigan.

Reaction naman niya sa mga bumabatikos sa kanyang mom Nora Aunor, aniya: “Siyempre po, bilang anak ay masakit sa amin yun. Pero kilala namin si mommy, madaling gumawa ng pera yun. At lahat ng mga naninira sa kanya, bahala na lang ang Diyos. Para sa amin si mommy pa rin ang greatest mom,” pagmamalaki ni Lotlot.

Nagpapasalamat naman si Lotlot sa GMA-7, dahil kahit hindi siya exclusive contract star ng Kapuso ay sunod-sunod na project ang ipinagkakatiwala sa kanya, tulad ng paglabas niyang nanay ni Barbie Forteza sa “Nita Negrita.”

*****

Willie Revillame hindi pinalitan bilang best man nina John, Priscilla

HINDI pinalitan si Willie Revillame as best man sa kasal nina John Estrada at Priscilla Meirelles on Feb.26 sa San Fernando La Union.

Sabi ni Priscilla, hindi sila humanap ng kapalit pa ni Willie sa wedding dahil may dalawa pa naman daw silang best man na sina Richard Gomez at Yuan (anak ni John kay Janice de Belen)

Nilinaw din ni Priscilla na hindi si Yuan ang ipinalit kay Willie dahil sa simula pa lang raw ay nakalagay na sa imbitasyon ang pangalan ni Yuan bilang isa sa best man.

Wala pa rin daw nabago sa partisipasyon ng tatlong anak na babae ni John kay Janice na sina Ynah, Moira at Kyla dahil sila pa rin ang magsisilbing bribesmaid

Ayaw sanang pag-usapan ni Priscilla ang tungkol sa pag-atras ni Willie na maging best man sa wedding nila ni John.

Aniya: “Mahal na mahal ni John ang mga kaibigan niya, hindi niya puwedeng kalimutan ang mga ito.”

Tungkol naman kay Janice, sabi ni Priscilla wala silang problema sa ex-wife ni John. Tsika pa ni Priscilla nang una raw silang nagkita ni Janice sa burol ng manager nilang si Douglas Quijano ay nilapitan daw siya ni Janice at binati.

Nang muli silang magkita ni Janice ay sa bahay na raw ni Richard Gomez kung saan nasa isang table silang lahat na mga bisitang babae. At kahit na walang friendship na namagitan sa kanila ni Janice ay nakita raw niya na mabait sa kanya ito kaya pinakitaan din niya ito ng maganda.

Samantala, pagkatapos silang ikasal ni John ay hindi pa raw sila mag-baby dahil gusto raw munang niyang tapusin ang natitirang tatlong taong pag-aaral sa medical course.

Gusto kasi ni Priscilla na maging doktor at plano niya sa Pinas i-practice ang kanyang pinag-aralan. Gusto magkaank ng isang babae at isang lalaki, samantalang si John ay dalawang lalaki naman ang gustong anak.

*****

Eugene bagong lucky charm ni Richard

SI EUGENE
Domingo raw ang bagong lucky charm ni Richard Gutierrez dahil malaki ang naitulong ng tandem nila sa My Valentine Girls na produce ng GMA Films para maging consistent Box Office King ni Chard.

Walang lumalabas ng sinehan na hindi pinag-uusapan ang episode nila ni Chard na “Gunaw”dahil sa nakakaaliw at nakatutuwang eksena nila.

Mula sa matagumpay na premiere night ng kanilang movie hanggang sa kasalukuyan ay dagsa ang mga tao sa mga sinehan para saksihan ang nakaaaliw nilang episode ni Uge at isama pa ang episode ni Chard kina Rhian Ramos at kina Lovi Poe and Solenn Heusaff, kasama pa sa cast ang child wonder na si Jillian Ward. Gerry Ocampo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply