Pinakamahabang oras na halikan sa Thailand itinala sa Guinness

TUMALA sa world record bilang pinakamahabang halikan ang isinagawang kissing contest ng Thailand kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso sa naturang bansa.

Nabatid na lumahok ang pitong magsing-irog sa halikang umabot ng 36 na oras.

Natalo ng Thailand ang Germany sa kanilang record na halikan na tumagal ng 32 oras, 7 minuto at 12 segundo, naitala sa Guinness.

Orihinal na 14 na magkasintahan ang lumahok sa naturang kissathon bandang 6:00a.m nang Linggo. Ngunit nangalahati ang mga kasali pagsapit ng hapon.

Pagsapit ng gabi tatlo ang nalaglag sa mga contestant na may contest rules na hindi maaaring maghiwalay ang mga labi ng mga ito.

Pinapayagan naman ang pag-inom ng tubig na naka-straw ngunit hindi pa rin maaaring maghiwalay ang kanilang mga labi.

Kailangang magkayakap pa rin ang magsing-irog kung pupunta sa banyo. Hindi rin maaaring matulog o maupo man lang ang mga kalahok.

Isang diamond ring naman at 100,000 Baht ang naiuwing premyo ng nanalong magkasintahan. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply