Pinay engineer nailigtas sa Libya

NAKALABAS nang buhay ang isang Pinay nang nakapuslit sa Libya sa gitna ng nagaganap na kaguluhan doon.

Sa kasalukuyan nasa Egypt na Si Engr. Judith Tuvera na sinamahan ng kanyang employer para makatawid mula sa Tobruk sa Libya pautungong Alexandria sa Egypt.

Tiniyak ni DFA Spokesman Atty. Ed Malaya na mayroong reception team ang Pilipinas sa Egypt upang i-assist ang lahat ng Pilipinong tumatawid mula sa Libya.

Isa pang batch ng 24 OFWs mula sa Libya ang inaasahang makatatawid na rin ng Egypt sa loob ng araw na ito.

Dakong alas-singko ngayong hapon, Pebrero 24 ay magsisimula na rin ang operasyon ng isa pang team ng Philippine Embassy sa Tunisia para tulungan ang tatawid na Pilipino mula naman sa bahagi ng Tripoli, Libya. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply