Pinay film producer winner sa Oscars

WAGI ang Filipinang film producer  na si Stephanie Walmsley sa katatapos lang na 83rd Oscar Awards sa Hollywood.

Isang karangalan na naman para sa bansa ang pagkapanalo ni Walmsley sa pinakasikat at prestihiyosong  award giving body for film sa mundo.

Nasungkit ng Filipino-American na si Stephanie Walmsley ang best live action short film.

Prinodyus ni Walmsy ang 18-minute short film na “God of Love,” at dinerehe naman ito ni Luke Matheny, isang New York filmmaker.

“Can you imagine having to promise somebody that you’re gonna one day make it to the Oscars? Of course you feel like if it’s ever gonna happen, but my father was sure. The day before he passed, he was even showing the nurse my picture and saying ‘don’t forget her face, she’ll be in the Oscars one day,” kwento ni Walmsley sa isang panayam.

Si Stephanie ay naka-base ngayon sa New York pero siya ay tubong Cebu at lumaki sa Metro Manila kasama ang kaniyang ina.

Sinasabing nagsimula ang showbiz career ni Stephanie noong maging host siya sa longest running noontime show sa Pinas, ang  “Eat Bulaga.”

Subalit pagka-graduate niya Brent International School ay nagpatuloy siya sa pag-aaral sa American Academy of Dramatic Arts sa New York City.

Lumabas na rin si Stephanie sa ilang pelikula gaya ng “Impunity,” “Take Me Home: The John Denver Story” at sa “In My Life” ng mag-inang Vilma Santos at Lucky Manzano at John Lloyd Cruz na ginawa sa New York.

Maliban kay Walmsey, wagi rin ang mga Fil-Ams niyang co-producer na  sina Stephen Dypiangco at Gigi Dement.

Samantala, narito ang ilang nagsipagwagi sa Oscars: David Seidler (The King’s Speech) – best original screenplay; Christian Bale (The Fighter) – best supporting actor; Trent  Reznor and Atticus Cross (The Social Network) – best original score; Rick Baker and Dave Elsey (The Wolfman) – best achievement makeup; Collene Atwood (Alice in Wonderland) – best achievement in costume design; Paul Franklin (The Inception) – best in visual effect; Kirk Baxter and Angus Wall (The Social Network) – best in film editing.

Naiuwi naman ni Nathalie Fortman, bida ng “Black Swan” ang best actress award gaya ng inaasahan ng marami.

Si Collin Firth naman ang itinanghal na best actor para pelikulang “The King’s Speech” na siya ring nanalong best motion picture. Bineza Zapanta

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply