Pinoy bets nagpasiklab sa Avantha masters

NAGPAKITA ng bagsik ang Philippine contingent sa kabila ng pagkakaantala nina Angelo Que, Antonio Lascuna at Mars Pucay.

Gayunman, papalapit na sila sa kalagitnaan ng $2.3M Avantha Masters na ginanap sa DLF Golf and Country Club sa New Delhi, India.

Si Que ang naging best scorer habang isinusulat ito sa pamamagitan ng kanyang five-under 139 total matapos makabuslo ng four-under 68 para magkasya sa 15th place, apat ang layo mula sa nine-under 135 ni Indian star Jeev Milkha Singh.

Kinontrol ng TCC Invitational champion ang laro kahit na ang kanyang mga kasamahan ay nahirapan naman sa sobrang kapal na hamog.

“The line should have read five-under and not four. The bogey at the ninth was unfortunate,” pahayag ni Que. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply