Pinoy cagers, aalisin na sa liga, Fil-shams, imports kahihiyan sa PBA

DAHIL  sa pag-iral ng mga Fil-shams at imports sa Philippine Basketball Association (PBA) ay nawawalan na ng ganang manood ang mga fans.

“Kaya po nilalangaw na ang PBA ay dahil sa pagpasok ng mga Fil-ams at imports,” ayon sa isang kritiko. “Nawawalan na rin ng chance ang mga sariling atin na may ibubuga naman kung sasanayin lang nang mabuti.”

Ayon sa kanila, nabura na ang mga genuine Filipino talents na home-grown at napalitan ng mga kabataan na hindi lumaki dito sa Pilipinas na nagbakasyon lang para maglaro.

“Marami pa sa mga ito ay peke o tinatawag na Fil-shams na nagbigay ng kahihiyan sa PBA,” wika ng mga kritiko. “Saka kung titingnan mo ‘yung quality ng games, ‘di na ganoon ka-exciting.”

Iginiit ng mga fans na nagiging defense-oriented na ang labanan sa laro samantalang ang fundamental na gusto umano ng masa ay ang labanan sa shooting.

Sa ganoong labanan, ayon sa mga kritiko, ay napakababa na ng scoring kaya boring nang panoorin at tiyak na ang susunod na season ay lalangawin ito.

“Mas mabuti pa ang manood na lang ng NBA sa cable, fast-phased at exciting ang mga laro,” ayon sa mga kritiko.
“Nakatatakot, baka dumating ang araw na puro Fil-Ams na lang ang maglalaro na mawawalan na ng pagkakataon ang mga Pinoy.” Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply