Pinoy chessers nagpasikat sa Aeroflot

NAGPAKITANG-gilas ang mga Pinoy Woodpushers sa first day ng 2011 Aeroflot open Chess na ginaganap ngayon sa Moscow, Russia.

Sinulong nina GMs John Paul Gomez, Darwin Laylo, IMs Richard Bitoon at Oliver Dimakiling ang unang panalo sa first round ng group B habang draw si Oliver Barbosa.

Tabla rin ang laro ni Pinoy super GM Wesley So, (Elo 2673) laban kay GM Alexander Fier, (Elo 2571) ng Brazil sa group A.

Pinayuko nina Gomez, (Elo 2527), Laylo (Elo 2516) at Bitoon, (Elo 2461) ang mga Russian counterpart na sina si GM Arseny Alavkin, (Elo 2393), IM Anatoly Kremenietsky, (Elo 2372) at WIM Victoriva Tarasova, (Elo 2289) ayon sa pagkakasunod.

Taga-Canada naman ang pinisak ni Dimakiling na si Antoine Berube, (Elo 2146) habang nakipaghatian ng puntos si 2011 Moscow Open chess championships ninth placer Barbosa, (Elo 2461) kay Roman Oganisin ng Russia.

Sa second round makakaharap ng 17-anyos na si So si GM Anton Shomoev, (Elo 2557) ng Russia.

Tanging si Paulo Bersamina ang nakatikim ng pagkatalo sa mga Pinoy chessers sa event na ipinatupad ang nine round swiss system sa lahat ng grupo.

Natalo sa group C si Bersamina, (Elo 2059) kay David Shahinyan, (Elo 2271) ng Armenia. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply