Pinoy, Fil-Am netters magsasanib

APAT na miyembro ng Philippine national tennis team na pawang Davis Cuppers at nanalo kontra  Korea ang isasalang para sa 2011 Asia Oceania Zone Group I opening tie laban sa  powerhouse Japan mula March 4 hanggang 6 sa Plantation Bay Resort and Spa in Lapu Lapu City, Cebu.

Ayon kay Randy Villanueva, Philta Vice President at Philippine Davis Cup administrator, napipisil ng asosasyon sina Fil-Ams Cecil Mamiit at Treat Conrad Huey na makikipagkapit-bisig kina local players Johnny Arcilla at Elbert Anasta.

Sinabi ni Villanueva na malaki ang paniniwala nilang kaya ng bansa na talunin ang Japan.

Matatandaang unang dinomina ng Japanese netters ang Philippines nang manalo ito ng 17 beses sa pagtutuos ng dalawang team sa 26 meetings sa Davis Cup.

Pinadapa ng Japan ang Filipino sa three meetings nila at ito’y naganap noong 1996, 2008 at 2010. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply