Pinoy miners ipapadala ng Pinas sa New Zealand

PINAG-AARALAN na ng Pilipinas ang pagpapadala ng tulong sa Zealand bilang dagdag pwersa sa patuloy na pagsasagawa ng search and rescue mission sa sinalanta ng intensity 6.3 earthquake.

Ito ay kasunod ng pahayag ng Philippine Mine Safety and Environment Association (PMSEA), na nakahanda silang magtungo at tumulong sa isinasagawang search and rescue operation sa New Zealand.

Nabatid na nanawagan si PMSEA president Louie Sarmiento sa mga kinauukulan na mapayagan ang kanilang samahan na tumulong sa search and rescue efforts para sa mga Filipino na biktima ng 6.3 magnitude na lindol.

“We appeal and hope that our team would be allowed to be sent to New Zealand right away,” ani Sarmiento.

Kaugnay nito nakatakdang makipagpulong ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bukas, Pebrero 28, sa mga miyembro ng PMSEA hinggil sa kanilang kahilingan na  magpadala ang Pilipinas ng sariling rescue team sa mga kababayang nasalanta ng lindol sa New Zealand.

Ayon kay NDRRMC Executive Dir. Benito Ramos,  kailangan muna nilang alamin ang kakayahan ng  grupo at ang magiging arrangements sakaling papayagan ang mga ito na magtungo sa nasabing bansa.

Sinabi pa ni Ramos na nakadepende sa New  Zealand government kung tatanggapin ang alok na tulong at kung handa ba ang gobyerno ng Pilipinas na magpadala ng contingent sa nasabing bansa .

Samantala, sa bansang Libya ay natanggap na ng  Department of National Defense at Armed Forcers of the Philippines (AFP)  ang hudyat upang sumabak sa planong mercy mission ng gobyerno para sa libong Overseas Filipino Workers na naiipit sa nagaganap na political turmoil  kaugnay sa pagnanais na pagpapatalsik kay Libyan Strongman Muammar Ghadfaffy.

Opisyal nang hiniling ng Department of Foreign Affairs ang  ayuda ng  DND  para magpadala ng kanilang eroplano  sa Libya para tumulong sa paghahakot ng mga Filipino na nagnanais makauwi na sa Pilipinas.

Ang nasabing panawagan ay kasunod ng pahayag ng United States of America na opisyal na nilang isinasara ang kanilang embahada sa Libya habang sunod-sunod namang nagre-resign ang mga foreign envoy ng Libya sa ibang bansa. Verlin Ruiz

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply