Pinoy pug Melligen hiniya ang Mexican foe

MULA round 1 hanggang round 10 ay hindi pinaporma ni Filipino boxer Mark Jason Melligen ang kalabang si Gabriel Martinez ng Mexico sa undercard ng Montiel vs Donaire na ginanap sa Mandalay Bay Resort Hotel and Casino Events Center sa Las Vegas.

Agad na ipinakita ni Melligen ang kanyang lakas at control sa laban na nagresulta sa unanimous decision na panalo ni Melligen.

Sa Round 7, medyo nayanig at nahilo si Martinez sa suntok ni Millegen subalit nabigo ang Pinoy na bigyan ng follow up punch ang kalaban kaya hindi ito napabagsak.

Pagsapit ng Round 9, naging mainit ang palitan ng suntok ng dalawa, kung saan naging mas agresibo si Martinez.

Nanalo si Melligen via unanimous decision sa iskor na 99-91,99-91,98-92.

Sinabi ng 24-anyos na si Melligen na tubong Bacolod City na paghahandaan na niya ang kanyang May 6 return bout kontra kay Alfonso Gomez.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply