Pinoy rumatrat sa World 8-ball

NAGPARAMDAM agad ng lakas sina Filipino pool wizards Dennis “Robocop” Orcollo at Efren “Bata” Reyes matapos manalo sa kani-kanilang katunggali sa group stage ng World 8-Ball Pool Championship 2010 sa Fujairah, United Arab Emirates kahapon.

Giniba ni Orcollo si Mazen Berjawi, 7-3, sa Group 1, tungo sa intrique second round showdown kontra kay Reyes na tumalo naman Shaker Wahdaw, 7-3.

“Medyo maganda ang simula natin,” ani  Orcollo.

Ang magwawagi sa Orcollo at Reyes matches ang haharap sa survivor ng Antonio Lining vs Jepthant Palencia.

Una rito, Giniba ni Lining si countryman Joyme Vicente, 7-0, habang umangat si Palencia kay Andrew Kong, 7-4.

Panalo rin ang mga Filipinong sina Francisco Bustamante at Joven Alba sa kanilang respective opening games. Namayani si Bustamante kay Carlos Cabello, 7-4, sa Group 2 at tampok naman si Alba sa pagpapadapa kay Sascha Andrej Tege, 7-5, sa Group 4.

Pero may ilang Filipino ang kinapos sa 1st round. Talo si Jeffrey De luna kay Khaled Al Mutari, 7-5;  yuko si Joven Bustamante kay Daryl Peach ng Great Britain, 7-6, sa Group 2 at tiklop si Paul Ortega kay Jun Lin Chang, 7-0, sa Group 4.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply