Pinoys sa Egypt dadating mamayang gabi sa Pinas

IPINAHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang voluntary repatration ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na naiipit sa kaguluhan sa Egypt at nakatakdang umuwi mamayang gabi, Huwebes, Pebrero 3.

Binigyan ng katiyakan ng DFA ang  Filipino community leaders sa Egypt na nakahanda ang contingency measurers sakaling kailanganing ilikas ang iba pang Pinoy na nasa Ehipto.

Ayon kay DFA spokesman Ed Malaya, bukod sa paggamit ng eroplano, posible rin gumamit ng panlupang transportasyon para dalhin sa Israel o Jordan ang OFWs at saka ililipat sa eroplano pauwi ng Pilipinas.

Pinayuhan ni Malaya ang mga kaanak o ang mga Pilipinong nasa Egypt na makipag-ugnayan sa embahada para mabatid kung nasaan ang mga ito at upang mapadali ang paglikas sakaling kailanganin.

Samatala, may nakarating na ulat kay Malaya na  marami pa ring Pinoy ang ayaw umuwi sa Pilipinas sa gitna ng kaguluhan sa Egypt, dala ng malawakang kilos protesta laban kay Pangulong Hosni Mubarak.

Sinasabing sa gabi nagkakatensyon sa Tahrir Square sa Cairo, ngunit sa araw ay nakakapunta pa ang mga tao sa palengke upang bumili ng mga pagkain mula alas nuebe hanggang ala una.

Umaasa si Mrs. Lita Perez , pangulo ng Filipino Expatriate Community Association na huhupa rin ang tensiyon sa Ehipto at walang Pilipino na nakikiisa upang hindi sila madamay sa kaguluhan. Johnny F. Arasga

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply