Pinoys sa New Zealand di tiyak kung ligtas sa lindol

NIYANIG ng magnitude 6.3 lindol ang sa Christchurch, New Zealand, ala-una ng hapon,  Martes (umaga, Pebrero 22, sa Pilipinas).

Tinatayang may 2,000 Filipino ang nakatira sa siyudad ng Christchurch,  ang pangalawa sa pinakamalaking siyudad sa New Zealand at ang sentro ng negosyo sa nasabing bansa.

Hindi pa tiyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung may nasawi o nasaktang Filipino sa nabanggit na insidente.

Sa inisyal na ulat, nagbagsakan at gumuho ang maraming gusali sa Christchurch, na sentro ng naturang lindol.

Wasak ang 147-taong Christchurch Cathedral, isang landmark sa nasabing lungsod, habang isinara na sa publiko ang paliparan.

Kinukumpirma na rin ng awtoridad ang balitang may mga namatay sa lindol.

Ayon kay New Zealand Prime Minister John Key, inaalam na nila ang pinsalang dulot ng lindol at kung mayroon ngang mga namatay.

“The details we have are extremely sketchy,” pahayag ni Key.

Ayon sa Prime Minister, ang ipinag-aalala nila ay ang nang mangyari ang lindol, lahat ng tao ay nasa kani-kanilang trabaho habang ang mga estudyante ay nasa paaralan.

“The worrying fear, of course, is that this earthquake has taken place at a time when people were going about their business…it is a very populated time, with people at work, children at school. Sadly, I cannot rule out that there have been fatalities,” ani Key.

Sa ilang ulat sa telebisyon ay ipinalabas ang isang live video footage na nagpapakitang sa mga mamamayan na nagsisigawan habang tumatakbo sa gitna ng lansangan habang gumuguho ang mga gusali.

Agad namang dinala sa pagamutan ang mga nasugatan sa kalamidad.

Naitala naman ang 5.6 magnitude aftershock 15 minuto pagkatapos ng lindol. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply