Pinuno ng VACC pinagmulta ng SC

PINATAWAN ng contempt ng Korte Suprema ang pinuno ng grupong Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) dahil sa pagmumura nito sa mga mahistrado matapos absweltuhin ng Korte Suprema ang grupo ni Hubert Webb sa Vizconde Massacre case.

Pinagbabayad ng Korte Suprema ng P100,000 si Dante Jimenez.

Ayon kay Justice Midas Marquez, tagapagsalita ng Korte Suprema, bagama’t hindi naapektuhan ang mga mahistrado sa pagmumura ni Jimenez, posible namang naapektuhan ang pananaw ng publiko sa Korte Suprema bilang isang institusyon.

Sinabi pa ni Marquez na umabuso si Jimenez sa kanyang freedom of speech nang murahin niya ang mga mahistrado.

Samantala, nagpalabas ang Korte ng matinding paaalala kay Lauro Vizconde na maging maingat sa kanyang mga pahayag.

Iyon ay makaraan niyang paratangan sa publiko si Justice Antonio Carpio na inimpluwensyahan ang mga kapwa mahistrado para maabswelto sa Vizconde Massacre case si Webb at ang anim na iba pang akusado.  Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply