Piskal sa kaso ng pinatay na botanist pinagbibitiw

HINIHILING ng mga kaanak ng napaslang na botanist na magbitiw sa paghawak ng kaso ang prosecutor ng Department of Justice (DOJ) na naging miyembro ng panel na nagsasabing ang biktima at mga kasama nito ay napatay ng New People’s Army (NPA) at hindi ng militar.

Ngayon, Martes, Pebrero 22, ang ika-100 araw ng pagkamatay ng botanist na si Leonard Co ay sinabayan ng kilos-protesta ng Justice for Leonard Co Movement sa harapan ng DOJ sa pangunguna ng kapatid ng biktima na si Dr. Lily Co-Austria.

Nanawagan din ang grupo na mag-inihibit sa paghawak ng kaso si Assistant Prosecutor  Bryan Jacinto Cacha, na miyembro ng panel na nagsisiyasat sa murder complaint laban sa mga miyembro ng 19th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Si Cacha ay miyembro din ng naunang DOJ fact-finding panel na nagpalabas ng desisyon na ang mga miyembro ng NPA at hindi militar ang responsable sa pagpatay kay Co, forest guard na si Sofronio Cortez at guide na si Julius Borromeo sa paligid ng Energy Development Corp. sa Kananga, Leyte noong Nobyembre 15, 2010.

Paliwanag ni Co-Austria, kung paano umano magiging bahagi ng ikalawang panel si Cacha kung noong unang panel ay sinabi na nito na miyembro ng NPA ang pumatay sa kanyang kapatid.

Giit pa nito na sa ikalawang panel, tatlo sa mga miyembro nito ay bago. Subalit kung ang isa umano sa mga ito ay pumabor kay Cacha, ano pa ang mangyayari sa kaso ng biktima.

Magugunita na noong Enero, naghain ng murder complaint sa DOJ ang pamilya ni Co laban sa 38 miyembro ng Philippine Army 19th Infantry Battalion.

Subalit giit ng military, ang tatlong biktima ay napatay dahil sa crossfire sa pagitan ng mga elemento ng 19th BI at rebeldeng NPA.

Subalit hindi naniniwala ang pamilya Co sa alegasyon ng militar dahil ang umano’y pamamaril ay direktang nasa direksyon ng tatlong napatay na biktima. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply