Piskal sa Lozano case pinalitan na

KINATIGAN ng Department of Justice (DOJ) ang hiling ni Atty. Oliver Lozano, ama ng napatay na si Ermeson Lozano na mailipat ng piskal ang kasong carnapping with murder laban sa magkapatid na Roger at Raymond Dominguez.

Ayon kay Lozano, mula kay State Prosecutor Dino Santiago, ang kaso ay inilipat sa lady prosecutor na si Eden Wakay-Valdez.

Ikinatuwa ni Lozano ang pagpabor ni Justice Secretary Leila de Lima sa kanyang request for inihibition laban kay Santiago.

Ayaw nang idetalye ni Lozano ang dahilan kung bakit ipinalipat n’ya ng piskal na hahawak sa kaso.

Tiwala rin si Lozano na maaaprubahan ng DOJ na mabigyan ng proteksyon sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP) sina Alfred Mendiola at Ferdinand Farolan, ang mga tatayong testigo ng pamahalaan sa kasong kinakaharap ng Dominguez brothers.

Ayon kay Lozano, inaasahang sa loob ng tatlong buwan ay  mahahatulan na ng korte ang mga akusado batay na rin sa WPP Act of 2003. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply