Piston nagkilos-protesta vs toll hike sa SLEX

NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang grupong Pinag-Isang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) sa Alabang, Lunes ng umaga dahil sa pagtaas ng singil sa South Luzon Expressway (SLEX)

Sinabi ni Piston Secretary General George San Mateo, ang naturang demonstrasyon ay bilang pagtutuol sa toll fee hike sa SLEX na itinuturing na isang pasanin para sa mga drayber.

Iginiit ni San Mateo na halos kinain na ng toll hike sa SLEX ang 60-percent income ng mga jeepney driver.

Maliban dito, tinututulan din ng grupo ang oil price hike halos kada linggo.

Ayon sa grupo, ay wala pa silang balak na maghain ng fare hike petition sa LTFRB kahit na mataas na singil sa toll sa SLEX.

Ani Mateo, kung hihingi sila ng dagdag sa pasahe ay makadadagdag lang ito sa pasanin ng mga commuters.

Gayunman, inamin din Mateo na hindi sapat ang pisong idinagdag sa singil sa pasahe na ipinatupad nitong a-dos ng Pebrero. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply