Planong paniningil sa SIM reg kinastigo

KINASTIGO ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III ang telecommunications companies sa planong maniningil ng karagdagang halaga para sa rehistrasyon ng Subscriber Identity Module (SIM) cards, alinsunod sa panukalang nakahain sa Senado.

Ayon kay Sotto, walang dagdag na sisingilin sa network provider at subscriber ng pre-paid SIM cards at walang panghihimasok sa privacy ng indibiduwal ang magaganap sa panukala.

Tiniyak ito senador, Miyerkues ng umaga, matapos ipahayag na maglalagay ng kaukulan at mahigpit na safeguards ang Senado sa paglilikha ng batas na nag-aatas sa rehistrasyon ng pre-paid SIM cards.

Inihayag pa ni Sotto na wala siyang nakikitang dahilan ng telecom firm para magtaas ng halaga ng pre-paid SIM card na kasalukuyang ibinebenta sa halagang P50 hanggang P100.

Sa privacy issue, sinabi ni Sotto na pinapayagan lamang ang telecom companies na magbigay ng impormasyon sa awtoridad kung ginamit ang SIM card sa krimen o kung may kaugnayan ang isyu sa kaligtasan ng publiko.

Kailangan din umanong magpakita ng balidong identification cards bago makabili ng pre-paid SIM card.

Pangunahing awtor si Sotto sa panukala sa Senado hinggil sa rehistrasyon ng SIM card simula pa noong 11th Congress. Ernie Reyes

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply