Plaza Ferguzon nabulabog sa bomba

SA UNANG pagkakataon, matapos ang pagsabog kasabay ng Rizal Day bombing noong 2000, ang plaza Ferguson naman ang nakaranas ng tensyon at pagsisikip ng trapiko dahil sa bomb scare malapit sa United States Embassy sa Roxas Blvd., Ermita, Manila, Huwebes ng umaga, Pebrero 3.

Nabatid na 7:00 ng umaga, isang itim na bag ang kahina-hinalang naiwan sa nasabing plaza na nagdulot ng tensyon matapos mapagkamalang may lamang pampasabog.

Kaagad namang nagtungo ang bomb squad ng Manila Police District (MPD) sa lugar upang siyasatin ang bag na mga damit at personal na gamit lamang ang laman, hinalang aksidenteng naiwan sa lugar.

Kaagad din namang bumalik sa normal ang sitwasyon sa lugar matapos ideklara ng mga pulis na walang bomba. Rene Crisostomo

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply