Plunder case nakaumang kay Reyes

SAKALING mapatunayan na tumanggap si dating AFP Chief of Staff Angelo Reyes ng P175 milyon na buwanan at pabaon, tiyak na ang kasong plunder na isasampa sa kanya.

Ito ang inihayag ni Parañaque Rep. Roilo Golez matapos kumpirmahin mula kay Ombudsman Merceditas Gutierez.

Bagama’t may panibagong imbitasyon para sa lahat ng dating Chief of Staff na hindi dumalo sa pagdinig ng House Committee on Justice kahapon, siniguro ni Golez na padadalhan na ng subpoena, lalo na si Reyes kapag hindi pa rin sumipot sa susunod na pagdinig dahil siya ang lantarang tinukoy ni Lt. Col. George Rabusa na umano’y nagkamal ng salapi mula sa AFP.

Tinukoy ni Golez na nabuksan ang posibilidad na pwede pa ring ikonsidera ang plea bargaining agreement na pinasok ng Ombudsman kay dating AFP Comptroller Gen. Carlos Garcia.

Ayon kay Golez, dalawang aspeto ang nabuksan sa nagdaang pagdinig ng komite, ang paglabas ni Col. Rabusa at paglutang ni Haydee Mendoza, dating COA auditor kaugnay sa P200 milyon transaksyon na kwestyonable. Meliza Maluntag

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply