PMA Alumni homecoming tuloy

SA kabila ng kinakaharap na kontrobersiya ng Sandatahang Lakas, itutuloy pa rin ang nakatakdang homecoming ng Philippine Military Academy (PMA).

Ayon kay Capt. Agnes Lynette Flores, PMA spokesperson, hindi naapektuhan ng pagkakasangkot ng ilang matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paghahanda para sa importanteng okasyong magaganap sa Pebrero 19.

Matatandaang nasangkot ang ilang high-profile alumni sa ibinunyag na multi-million-peso na kontrobersyang “pabaon” at “pasalubong” sa isinasagawang imbestigasyon ng Kamara de Representantes at Senado.

Kaugnay nito, inilagay na rin sa half-mast ang bandila ng Pilipinas sa PMA campus sa Baguio City bilang pagbigay-pugay kay dating AFP chief Angelo Reyes, nagpakamatay nitong Martes.

Si Reyes ay miyembro ng PMA Class ‘66. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply