PNoy aminadong bigo si Mar Roxas

BIGO ang biyahe ni dating Sen. Mar Roxas sa Taiwan kung saan nagpaliwanag ang dating mambabatas sa mga opisyal doon kung bakit ipina-deport ang 14 Taiwanese sa Mainland China.

Ito ang inamin ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III makaraang ibunyag na “apology” ang inihihirit ng Taiwan.

Aniya, malabo umanong mag-sorry ang Pilipinas sa Taiwan dahil walang basehan upang gawin ito.

Aniya, posibleng hindi pa ngayon malulutas ang usapin sa pagitan ng dalawang bansa subalit kumpiyansa ang Punong Ehekutibo na magkakaroon din ito ng resolusyon sa tamang panahon.

Binigyang-diin ni G. Aquino na na nauunawaan niya ang “political realties” na pinaniniwalaan ng Taiwan at nagpahayag siya ng pananalig na maiintindihan din ng Taiwan ang posisyon ng Pilipinas. Kris Jose

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply