PNoy dapat manguna sa tigil-yosi campaign

DAPAT umanong pangunahan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang kampanya laban sa adiksyon at paninigarilyo.

Ito ang panawagan noong Lunes, Pebrero 21, ni running priest Fr. Robert Reyes bago magsimula ang fun run ng Philippine Medical Association.

Kasabay nito, hiniling din niya sa mga local government unit na maglunsad ng information campaign sa mga paaralan kaugnay ng masamang epekto ng nicotine sa katawan ng tao. Sinabi ni Reyes na nakipag-ugnayan na rin siya kay Education Sec. Brother Armin Luistro kaugnay sa usapin upang maisama ito sa mga subjects sa paaralan.

Nabatid na inilunsad ng Philippine Medical Association ang fun run sa North Avenue para sa kanilang kampanya kontra sa paninigarilyo. Amor Virata

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply