PNoy ‘di babawiin ang log ban

WALANG plano ang Malakanyang na bawiin ang iniutos na indefinite log ban sa Agusan na nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Magugunitang pumalag ang Philippine Wood Producers Association, gayundin ang LGUs sa Agusan at balak nilang umapela sa Pangulo upang ikonsidera ang inilabas na Executive Order No. 23.

Sinabi ni Communications Sec. Ricky Carandang, alam nilang may aalma sa direktiba ng Pangulo pero hindi umano magbabago ang kanilang posisyon.

Matibay aniya ang political will ng Pangulong Aquino at para rin ito sa kinabukasan ng bansa.

Nilinaw din ng Palasyo na hindi total log ban ang kautusan ng Pangulo, bagkus ipinagbabawal lamang dito ang over-logging na sanhi ng mga pagbaha.

Nauna rito, nanawagan si Antonio Olizon, presidente ng Phil. Wood Producers Association, na sana ay bawiin ang direktiba ng Pangulo.

Tinukoy nito na dapat ikonsidera ni PNoy ang kanyang desisyon sa ilang mga kadahilan.

Kabilang aniya rito ang magiging problema sa pinasukang commitment ng mga kompanya, pangangailangan ng factories o serbisyo na kailangan ang kahoy at pangangailangan ng construction sectors. Gwenn Salamida

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply