PNoy hindi tiyak kung pupunta sa Reyes wake

HINDI sigurado kung personal na makikiramay si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa pamilya ni dating Defense Secretary Angelo Reyes, na nagpakamatay Martes ng umaga.

Sinabi ni presidential spokesman Edwin Lacierda na hindi mababago ang iskedyul ng Pangulo, na nagdiriwang din ng kanyang ika-51 kaarawan kasabay ng pagkamatay ni Reyes.

“The President will continue with his schedule. There will be a dental and medical mission this 2:30 (p.m.), as well as lighting of the candle for peace at QC (Quezon City) Memorial Circle at 6 p.m.,” anito.

Idinagdag ni Lacierda na bahala na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magdesisyon kung sa Libingan ng mga Bayani ilalagak ang labi ng dati nitong hepe. Kris Jose

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply