PNoy napikon sa media

HINDI naitago ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang kanyang pagkapikon sa media sa kanyang mensahe sa induction ng AdBoard’s Officers and Directors na ginanap sa Rizal Ceremonial Hall Huwebes.

Sa talumpati ay pinasaringan ng Pangulo ang media na umano’y mahilig mag-sensationalize ng mga usapin imbes na ibigay ang katotohanan sa publiko.

“Unfortunately in our country, sometimes, sensationalism is a lot better than spreading the truth. Sometimes, the truth seems to be a forgotten concept by some of our media practitioners,” anito.

Imbes na makatulong umano ang media ay nakadaragdag pa ang mga ito sa problema ng bansa.

Matatandaang nagpiyesta ang media sa mga balita tungkol sa awayan ng Balay at Samar groups, ang umano’y dalawang magkatunggaling paksyon sa Malakanyang.

Tumanggap din pagbatikos ang Pangulo sa umano’y mabagal na pagtugon nito sa Luneta hostage-taking tragedy noong 2010 at kasalukuyang pagkabigo ng administrasyon na mapakiusapan ang China na huwag bitayin ang tatlong Filpino na nasangkot sa iligal na droga. Kris Jose

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply