PNoy pinakikilos sa korapsiyon sa militar

KUMPIYANSA si Representative Teodorico Haresco ng Ang Kasangga partylist na hindi maaapektuhan ng umiinit na kontrobersiya ng umano’y katiwalian sa AFP ang gumagandang takbo ng ekonomiya ng bansa.

Sa halip, iginiit ng mambabatas ang agarang pagkilos ng gobyerno para ipatupad ang mga hakbang laban sa korapsyon at maibalik ang integridad ng bansa bilang magandang lugar ng pamumuhunan.

Ang pahayag ni Haresco na isang reservist Marine officer ay kasunod na rin ng pagkabahala ng mga kasapi ng Management Association of the Philippines sa malawakang katiwalian sa institusyong militar kasabay ng apela sa pagbuo ng independent body na uungkat sa mga alegasyon.

Gayunman, naniniwala ang kongresista na hindi na kailangang bumuo ng isa pang lupon na mag-iimbestiga ng mga anomalya sa AFP dahil kapwa kumikilos na rin ang Senado at Kamara sa paghahanap ng katotohanan at sa layuning makalikha ng batas na magpapalakas sa kampanya ng pamahalaan laban sa katiwalian sa burukrasya.

Ipinunto pa ni Haresco na ang isyu ng “pabaon” o “pasalubong” system sa militar ay dapat maging daan upang magpairal ng epektibong reporma at maiwasang maulit ang iskandalo. Beth Aragon

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply