PNoy sa bansa: Ipagdasal na bumaliktad ang China

TINAWAGAN ng pansin ni Pangulong Benigno Aquino III ang lahat ng religious leaders na magkaisa na manalangin para sa ikalilinaw ng isipan ng mga matataas na opisyal ng People’s Republic of China na ikunsidera na i-commute ang hatol na kamatayan sa tatlong Filipino na nasangkot sa ipinagbabawal na gamot.

“In the light of this belief, may I call on all Filipinos, led by our religious leaders of all faiths, to unite ourselves in prayer beginning today at sundown,” ang pahayag ni Pangulong Aquino.

Sinabi ng Pangulo na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para maisalba ang buhay nina Sally Villanueva, Ramon Credo at Elizabeth Batain, na nakatakdang bitayin sa bansang China sa darating na Lunes, Pebrero 21, 2011.

Kabilang na aniya rito ang letter of appeal na ipinadala niya kay Chinese President Hu Jintao.

Ang sulat, ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, ay dala ni Bise Presidente Jejomar Binay ang nasabing sulat para personal na ibigay sa mga awtoridad ng China.

Aniya, nakapaloob sa sulat ng Pangulo ang pakiusap na huwag ituloy ang bitay “for humanitarian reasons’ at umaasa sa positibong tugon ng Chinese government.

Nakapaloob din sa statement ang panawagan ni G. Aquino sa lahat ng mga religious groups, CBCP at iba pang relihiyon na sama-samang magdasal para sa kaligtasan ng mga kababayan mula sa nakatakdang kamatayan. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply