PNoy sinisisi rin sa pagkamatay ni Reyes

MAY bahid din umano ng dugo ang kamay ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino, III sa pagkamatay ni dating Armed Forces Chief of Staff at former Defense Secretary Angelo Reyes  dahil sa mabagal nitong pakikialam sa gulong kinasasangkutan ng Hukbong Sandatahan na kanya na ngayong pinamumunuan bilang pangulo at commander-in-chief.

Ito ang naging bahagi ng pahayag ni dating Navy Commodore Rex Robles sa isang panayam Sabado ng umaga, Pebrero 12, hinggil sa pagpapakamatay ni Reyes.

Ayon kay Robles bilang commander-in-chief ay tumatayong ama si Pinoy ng mga sundalo at opisyal ng AFP na siyang direktang inaatake at tinatamaan ng nagaganap na trial by publicity.

Bilang ama at pangulo ng bansa ay maari naman niyang tawagin ang pansin ng kongreso at senado upang makisawsaw sa imbestiagsyon upang hindi na lumala ang atakeng nangyayari sa AFP at maari nitong ipatawag si Reyes upang alamin ng personal kung may katotohanan ang pahayag nito na wala siyang kinalaman sa fund mess.

Kinukuwestyon din ni Robles kung bakit nanahimik ang pangulo gayong niyuyurakan na ang buong organisasyon ng AFP na kanyang pinamumunuan.

Kaugnay nito matapos umano ang 30 taon na pag-isnab ni Robles sa tradisyunal at taunang Philippine Military Academy (PMA) Alumni Homecoming ay aakayat siya sa Baguio City  upang makipag-usap sa pamunuan ng PMA at kuwestyunin ang kanilang pananahimik habang niyuyurakan ang kanilang institusyon. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply