PNoy sumagot sa patutsada ni Bongbong

NIRESBAKAN ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino, III ang patutsada ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos na kung nagpatuloy lamang ang administrasyon ng kanyang namayapang ama ay  baka naging Singapore na ang Pilipinas.

Sa naging talumpati ng Pangulong Aquino sa EDSA People Power awards sa Malacañang noong Biyernes, Pebrero 25, ay  sinabi nito na hindi malayong matulad ang Pilipinas sa Libya kung hindi nagkaroon ng EDSA People Power revolution.

Para sa Chief Executive, imposibleng magiging Singapore ang Pilipinas kung hanggang ngayon ay nananaig ang rehimeng Marcos.

“I do not think we could have become a Singapore had we stay the course with Marcos. We were far from becoming a Singapore. Were it not for EDSA we probably could have become another Libya,” ayon kay Pangulong Aquino.

Sinabi ng Punong Ehekutibo na ayaw  niyang buksan ang mga sugat ng nakaraan subalit tungkulin niyang ituwid ang nararapat lamang.

Sa kabilang dako, hindi man binanggit ni Pangulong Aquino ang pangalan ng senador ay malinaw na ito ang kanyang pinatutungkulan.

“Some have even dare to say that maybe one man rule was not such a bad idea. Never mind the oppression, and never mind the lack of liberties. By now some say we could already have become another Singapore. The some is just one,” ang pahayag ng Pangulong Aquino.

Binigyang diin nito na kung hindi nakakawala ang sambayanang Pilipino sa diktaduryang Marcos ay malabong matamasa ng media ang freedom of the press at respetong inaani ng Pilipinas sa international community.

Pagpapakita lamang aniya ito na mas mabuti na ang sitwasyon ng bansa ngayon kumpara sa mga nakalipas na pamamahala.

At para aniya patunayan ang malaking pagbabago ay binigyang sinabi nito na makakabuting itanong muna  sa ilang personalidad kung ano na ang mga pagbabago at naranasan nila noong panahon ng martial Law.

“You don’t even take my word for it. Just ask the people who were there,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Samantala, ang mga People Power awardees ay sina newspaper columnist William “Billy” Esposo na ginawaran ng presidential legion of honor, Father James Reuters at mga nabigyan ng posthoumous awards na sina dating U.S. Rep. Stephen Solarz, dating Manila Times publisher Chino Roces, dating columnist at press secretary ng yumaong Pangulong Cory Aquino na si Teddy Benigno at dating publisher Napoleon Rama ng Manila Bulletin. Kris Jose

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply