PNoy vs Bongbong giyerang laway lang

UMUSOK ang ilong ni PNoy hindi sa sigarilyo kundi sa buwisit nang sabihin ni Sen. Bongbong Marcos na kung hindi sana pinalayas si Manong Ferdie sa trono ni Tita Cory, eh, katulad na sana ng Singapore ang repablik ni Juan.

Itinuturing ang Singapore na pangatlo sa China at Japan na pinakamauunlad na bansa sa Asya.

Ganti ni PNoy, kung hindi nangyari iyon, malamang na magagaya ang repablik ni Juan sa nagaganap sa Libya na dumadanak ang dugo sa pagkapit-tuko sa puwesto ni Moammar Gadhafi.

Op kors naiintindihan natin na may sirang tinapay sa pagitan ng mga Marcos at Aquino.

Pero simpleng agawan lang iyon sa puwesto na nauwi sa hindi magandang kasaysayan.

May pinatay kaya may pinalayas sa poder.

oOo

Para kay Juan, simpleng agawan lang talaga sa poder ang naganap.

Sapagkat sa katapusan  ng paghahari ng mga Marcos at Aquino, parehas lang ang sinapit ni Juan.

Parehong naging maganda lang sa una ang paghahari ng dalawa.

Pero habang nagtatagal ang mga ito sa puwesto, humalo na ang mga masaker na pinaggagagawa ng dalawa.

Parehas silang nabigong buwagin ang Hacienda Luisita.

Sa huli, nawalan ng boses si Juan na tanda ng kanyang kalayaan noong panahon ni Manong Ferdie at nawalan naman siya ng kuryente sa mga blakawt at brawnawt noong panahon ni Tita Cory.

oOo

Ansolisited adbays natin kina PNoy at Bongbong: paano kaya kung lawayan na lang nila si Juan na nauusog nang sobra sa mahal na langis at presyo ng mga bilihin, sa kamalasan ng mga OFW gaya ng mga nasa Libya, sa kawalan o kakarampot na kita, sa latigo ng pamahalaan sa pamamagitan ng EVATat iba pa?-Rey Biones

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply