PNP 20,000 ghost cops at P3,000 ghost bonus

NAPAKAGANDA kung maisasama na ni PNoy ang paglilinis sa kapulisan sa paglilinis nito sa kasundaluhan.

Dapat na magsimula na siyang magtanong kung mayroon ding pasalubong at pabaon ang mga heneral na pulis…at kung may discretionary fund din sila buwan-buwan para sa kanilang bulsa, este, opisina. Pero meron tayong pagtutuunan ng pansin ngayon.

Yun bang === mga ghost cop at Christmas bonus.

Lumalabas ngayon na may 20,000 multong pulis.

Sumasahod sila ngunit wala naman sila sa listahan ng nasa 130,000 pulis at lalong wala sa presinto.

Ngayon, mga Bro, gaano na ba katagal na nagdyu-duty ang mga multong pulis na ito? Siyam na taon na ba?

Kung may 20,000 na pulis at sumasahod sila ng halagang P12,000 buwan-buwan, magkano ang kabuuang sahod nila sa loob ng nakalipas na siyam na taon? Sa kuwenta natin sa abacus, nasa P26 bilyon lahat yan.

Tumataginting na anomalya ito. Kaninong bulsa napupunta ito, Mr. President?

oOo

Heto pa. Taon-taong may bonus na P10,000 ang bawat pulis.

Nagre-release ang Department of Budget and Management ng P7,000 para rito at ang PNP na ang magbibigay ng P3,000 na kapunuan dito mula sa savings nito.

Ngunit alam ba ninyong panay ang reklamo ng mga pulis na wala silang natatanggap na P3,000? Nitong pagdating lang daw ni PNoy sila nakatanggap ng buong P10,000 na bonus. Lagi raw sinasabi ng mga heneral na walang savings ang PNP kaya walang P3,000 na dagdag-bonus.

Ngayon magkuwenta tayo. Magkano ang P3,000 para sa 130,000 pulis sa nakalipas na 9 taon? P3.5B.

Kung pagsasamahin ang nasa P26B na sahod ng ghost cops at nasa P3.5B na ghost bonus, halos P30B lahat. Kanino ipinasasa-lubong at ipinababaon ang halaga na yan, PNoy?

Binabati natin ang lahat kaugnay ng ika-19 anibersaryo ng ating diaryong REMATE kahapon.

Pinasasalamatan naman natin nang buong puso ang lahat ng mga nakaalaala sa atin sa kaarawan natin kahapon, kabilang na sina Mr. at Mrs. Jun and Gigi David at ang mga may CP nos. 09236346226 at 091783-99339.

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph
Benny Antiporda

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply