PNP kakaladkarin din sa pabaon system

PABOR ang dalawang senador na palawigin din sa Philippine National Police (PNP) ang imbestigasyon sa nabulgar na “pabaon system” sa Armed Forces of the Philippines (AFP)  alinsunod sa kahilingan ng Ecumenical Bishops Forum (EBF).

Sa magkakahiwalay na panayam, sinabi nina Senate President Juan Ponce Enrile at Blue Ribbon Chairman Teofisto Guingona III na maaaring palawigin sa PNP ang imbestigasyon kapag may lalantad na katulad ni dating AFP budget officer Lt. Col. George Rabusa.

Ayon kay Enrile, puwedeng umabot hanggang sa kabila ng Camp Aguinaldo, sa Camp Crame, ang imbestigasyon kung may lalantad dahil kailangang makalikha ng batas upang masugpo ang katiwalian na pinag-uusapan sa imbestigasyon.

Kamakailan, nanawagan ang EBF sa Kongreso na palawigin din sa PNP ang imbestigasyon sa pabaon system dahil posibleng may ganitong sistema rin sa pulisya tulad nang nangyari kay dating PNP comptroller  P/Dir. Eliseo Dela Paz na nasabat sa Moscow sa pagpupuslit ng P6.9 milyon halaga ng euro dollar.

Noong Oktubre 11, 2008, nasabat ng Moscow police at immigration si Dela Paz, dating PNP comptroller sa pagdadala ng 105,000 euros na ikinatuwiran niyang panggastos ng mga dumalong opisyal sa kumperensiya ng Interpol sa naturang bansa.

Sinupalpal naman si Dela Paz ng dating Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno dahil aabot lamang sa P2.3 milyon ang pondong gagamitin ng delegasyon sa Interpol conference sa Moscow.

Kareretiro lamang ni Dela Paz nang mahulihan ng 105,000 euros sa Moscow kung saan plano sana nito at ng asawa na lumipad patungong Poland.

Ang abugado ni dela Paz na si Noel Malaya ang abugado ngayon ni Rabusa, testigo na nagbuking sa pabaon system sa AFP.   Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply