Pokwang yumabang na; Nagwala sa opisina ng Star Magic

HANGGANG ngayon, pinag-uusapan pa rin ang diumano’y pagwawala ng komedyanteng si Pokwang sa opisina ng Star Magic sa ABS-CBN kung saan ang dahilan ay ang hindi na pagkakasama niya bilang isa sa mga host ng bagong noontime show ng ABS CBN na “Happy,Yipee Yehey” na simula ngayong Sabado, Pebrero 12.

Pakiwari daw ni Pokwang, unti-unti na siyang inilalaglag ng Star Magic sa pamumuno ni Mr. M.

Ayon pa sa tsismis, ang hindi raw matanggap ni Pokwang e, si Melai ang inilagay ng Star Magic sa nasabing noontime show bilang isa sa mga regular host na para daw ipinamumukha kay Pokwang na mas mahusay si Melai sa pagho-host kesa sa kanya.

Bali-balita na ang tunay na dahilan daw kung bakit hindi na isinama si Pokwang sa noontime show e, marami raw ang hindi na nakakagusto sa pag-uugali ni Pokwang.

Diumano, malaki na raw ang ipinagbago ng komedyanang host na simula ng bigyan ito ng malaking break as main host na matapos mawala sa ere ang “Wowowee” ay yumabang at naging supladita na raw ito.

Kung ako ang tatanungin, naniniwala akong hindi ang Star Magic ang may dahilan sa hindi pagkakabilang ni Pokwang sa bagong noontimem show ng ABS-CBN, kundi may hinala kami na si John Estrada ay ayaw makasama si Pokwang? Knowing John Estrada na ayaw na ayaw nitong nasasapawan siya sa ere at knowing Pokwang na kilala bilang stariray sa show.

****

Lea, Marie ng ‘The Daybreaks’ leading ladies ni Smokey Manaloto sa ‘Hostage Ko Multo’

HANGGANG ngayon hindi pa rin makapaniwala ang dalawang bagets na bokalista ng bandang “The Daybreaks” na sina Lea Ledesma at Marie Santiago na matapos ang matagumpay nilang first album na The Daybreaks…First Light ay heto at nabigyan naman sila ng break sa isang indie movie.

Masasabing suwerte nga sina Marie at Lea dahil sa unang pagsabak nila sa pelikula ay leading lady agad ang ginagampanan nila kung saan si Smokey Manaloto ang bida sa indie movie na may titulong “Hostage Ko Multo” na dinirehe ng veteran director na si Jun Cabreira.

Sa nasabing indie movie, kabilang din sina Ryan Madrid, Trixie Bautista at veteran actor/director Jun Urbano.

Sa March 16 na ang playdate nito sa lahat ng SM cinema nationwide. Charlie Lozo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply