Police chief dedbol sa parada

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Itinuturing na bayani ng kanyang mga kasama si Pangil, Laguna chief of police P/Sr. Insp. Arjel Guanizo matapos itong bawian ng buhay habang nakikiisa sa idinaraos na Padyak para sa Kapayapaan Sabado ng umaga, Pebrero 12.

Sa panayam ng Remate kay Pro Calabarzon Director Chief Supt. Samuel Pagdilao, sinabi nito na agad niyang inatasan si DRDA Chief Supt. Aaron Fidel na bigyan ng tamang pagkilala at parangal si Guanizo sa pamamagitan ng kanyang mga naulila dahil sa pagtupad nito sa kanyang tungkulin.

Si Guanizo ay hinihinalang inatake sa puso dakong alas-7 ng umaga habang kasama sa parada mula sa San Pablo City kung saan pagsapit sa Sto. Tomas, Batangas ay biglang natumba ang biktima mula sa kanyang bisikleta.

Isinugod ito sa St. Cabrini  Hospital sa Sto. Tomas, Batangas subalit idineklarang dead on arrival. Dan Bicomong at Ellen Apostol

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply