Police general sabit sa carnapping syndicate?

ISANG police general ang tinututukan ngayon ng mga imbestigador sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa mga kaso ng carnapping, bukod pa sa ilang tao mula sa Land Transportation Office (LTO), ayon sa isang mataas na opisyal ng PNP, Biyernes ng hapon, Pebrero 4.

Sa sinagawang pulong balitaan sa Camp Crame, inihayag ni Chief Superintendent Leonardo Espina,  na isang one star general ang kanila ngayong minamatyagan dahil sa paglutang ng kanyang pangalan na nakikipagkutsabahan sa isang organisadong carnapping group.

Tumanggi namang kilalanin ni Espina ang opisyal dahil kasalukuyan pa umano nilang kinukumpleto ang imbestigasyon at pangangalap ng mga katibayan.

Aminado si Espina na may ilang opisyal ang lumulutang ang pangalan na posibleng may kaugnayan sa mga grupong sangkot sa car theft.

Samantala, tuloy-tuloy umano ang pangangalap ng mga ebidensya upang alisan ng maskara ang ilang LTO official na pinaghihinalaang nasa likod ng pagpapalabas ng car registration documents na kinabibilangan ng official receipts at  certificate of registration na ginagamit sa talamak na pagnanakaw ng mga sasakyan. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply