Poll watchdog pabor sa planong ipagpaliban ang ARMM elections

MAGING ang church-based poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ay sang-ayon sa planong pagpapaliban ng  halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ayon kay PPCRV chairperson Henrietta de Villa, pabor sila sa panukalang isabay na lang ang ARMM polls sa 2013 midterm elections.

Ang orihinal na petsa ng ARMM polls ay sa Agosto 8, 2011.

Ani De Villa, sa pamamagitan nito ay magkakaroon pa ng sapat na panahon ang Commission on Elections (Comelec) na makapaghanda para sa naturang halalan.

Naniniwala si De Villa na makatutulong din ang pagpapaliban ng ARMM elections sa PPCRV para magkaroon ng sapat na oras sa kanilang isasagawang voters’ education.

Nagsusulong ang iba’t ibang sektor, maging ang Malakanyang mismo, na maisabay ang sa 2013 midterm elections ang halalan sa nasabing rehiyon.

Ayon naman kay De Villa, mas mabuti kung mauna pa rin ng isa o dalawang buwan ang ARMM polls sa midterm elections, upang mas matututukan ito.

Una nang sinabi ng Comelec na kahit may mga planong postponement ay tuloy pa rin sila sa paghahanda nito para sa ARMM elections.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, hangga’t walang pormal na anunsiyo mula sa Malakaniyang hinggil sa pagpapaliban ng eleksiyon ay ipagpapatuloy nila ang paghahanda.  Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply