Pondo ng 12 PHL athletes nasasaid na!

MARAPAT lamang umanong isapubliko ng Philippine Olympic Committee (POC) kung magkano pa ang pondong nalalabi para sa 12 Filipino athletes na pinagkalooban ng International Olympic Committee (IOC) para gamitin sa kanilang training.

Ayon sa mga kritiko, may mga ulat na nasasaid na umano ang pondo ng 12 atleta na sasabak sa qualifying events para sa 2012 London Olympics sa ilalim ng IOC Solidarity Program.

Ang 12 atleta, ayon sa mga sources, ay pinili mula sa listahan ng may 47 athletes na isinumite ng iba’t ibang National Sports Associations (NSAs) sa POC.

Sa ilalim ng IOC Solidarity Program, tatanggap ang mga ito ng monthly allowances at financial assistance habang nagsasanay para kanilang respektibong Olympic qualifying events.

Binanggit ng mga sources na aabot sa $500 ang monthly allowances ng mga nasabing atleta at ito’y para sa training, pagkain at iba pang bagay na ginagamit sa pagsasanay ng mga ito.

Natuklasan na hawak na umano ng POC ang pondo mula sa IOC kung saan ang bawat atleta ay tatanggap dapat ng $5,000 bilang financial assistance.

Bukod sa POC, wala ring update na inilalahad ang Philippine Sports Commission (PSC) hinggil sa nasabing usapin.

Subalit iginiit ng kampo ni POC president Jose “Peping” Cojuangco Jr. na kinailangan ding makasabak muna ang mga atleta sa Olympic qualifying event bago nila matatanggap ang sinasabing financial assistance.

Ang mga pinalad na nakapasok sa elite group (12 athletes) ay sina Beijing Olympian Mark Javier (archery); long jumpers Marestella Torres at Henry Dagmil (athletics); Emerson Segui (fencing); Roque Abala (rowing); Hagen Topacio at Paul Bryan Rosario (shooting); Jessie King Lascuna at Jasmine Alkhaldi (swimming); John Paul Lizardo at Marlon Avenido (taekwondo) at Margarito Angana (wrestling).

Ang mga  atleta ay kapwa nakalaro sa 16th Asian Games sa Guangzhou, China kung saan si Lizardo ay nakasikwat ng bronze medal, maliban kay Segui.

Samantala, binanggit ng mga kritiko na ang nasabing pondo ay inilabas ng IOC para magpursigeng magsanay ang mga atleta subalit kung hindi umano naaayon sa tama ang paglalabas nito ay malamang na mangulelat na naman ang bansa sa Olympics. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply