Pork barrel ng congressmen madadagdagan

MADADAGDAGAN pa ng P20 hanggang P30 milyon ang pork barrel ng mga kongresista at P60 milyon naman sa bawat senador batay sa pinagtatalunang road users tax amendatory bill.

Ngunit nilinaw ni Deputy Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez, na hindi ito congressional fund kundi alokasyon sa Department of Public Works ang Highways (DPWH) para sa mga kalsadang nais ipaaayos o ipatayo ng mga mambabatas.

Nilinaw ni Suarez na ang kanyang inihaing House Bill 4069 ay bilang pag-amiyenda sa Republic Act6 8794 o mas kilala bilang Motor Vehicle User’s Charge Law kung saan magkakaroon ng pantay-pantay na alokasyon ang mga kongresista kabilang ang partylist representatives at sila na rin ang katuwang ng District Engineers sa tutukoy kung aling kalsada ang dapat ipaayos ng hindi na daraan sa Road Board.

Ipinaliwanag pa ni Suarez na depende sa haba at laki ng kalsada ang alokasyon ngunit ang pondo ay malaking tulong upang maisaayos agad ang mga kalsada lalo pa at papalapit ang tag-ulan. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply