Porras susuntok sa RP Bantam crown

MAKIKIPAGSAPAKAN si Philippines Number 1 bantamweight contender Glenn Porras ng North Cotabato kay No. 4 contender Richard Pumicpic para sa bakanteng bantamweight title sa Feb. 27 sa Davao City.

Ang bakbakan ng dalawa ay gaganapin sa Rizal Park sa tabi ng Davao Gulf.

Ikinasa ang Porras-Pumicpic fight matapos umatras sina No. 2 contender Jethro Pabustan at No. 3 contender Michael Domingo na nagpahiwatig na hindi sila lalaban para sa championship elimination.

Matatandaan na binakante ang nasabing Philippine title ni Marvin Sonsona para lumaban sa world championship ngunit natalo okay Puerto Rican Wilfredo Gomez.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply