Proteksyon kay Rabusa tinutulan ni Pichay

TUTOL si dating Surigao Rep. Prospero Pichay  sa pagkakaloob ng witness protection kay dating Armed Forces of the Philippines (AFP) budget officer Lt. Col. George Rabusa dahil dapat umanong kasuhan pa ito plunder.

Si Pichay ay kabilang sa pinangalanan ni Rabusa sa pagdinig ng Senado na tumanggap ng P500,000 sa umano’y tatlong beses nitong pagdalaw sa AFP chief Angelo Reyes sa Camp Aguinaldo nang chairman pa siya ng House defense committee.

Malaking kalokohan aniya ang pagsasailalim kay Rabusa sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DoJ) dahil ang pagbibigay ng full military honor kay Reyes nang ito ay ilibing ay nagpapatunay lamang na hindi naniniwala sa mga paratang ang AFP.

Pahayag pa ni Pichay na kung si Reyes ang bayani siguradong si Rabusa ang masama.

Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng kampo ni Pichay ang paghahain ng plunder laban kay Rabusa na umaming siya ang naghahanap at naghahanda ng pondo na ibinibigay sa mga heneral.

May impormasyon pang nakalap si Pichay na hindi niya pinangalanan ang source na nagsasabing korap na noon pa umano si Rabusa nang siya ay budget officer ng G-2 (Intelligence) ng Philipine Army. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply