Pre-set rates sa remittance ng OFWs hiniling na ibigay

SA GITNA na patuloy na paglakas ng piso kontra dolyar, nanawagan ang isang kongresista sa mga bangko na pagkalooban ng “pre-set rates” ang OFW at kanilang kaanak sa pagpapalit ng kanilang remittances.

Ito ay isang paraan lamang ayon kay LPGMA Partylist Rep. Arnel Ty na masulit ng mga OFW ang kanilang ipinapadalang pera at ma-engganyo na gumamit ng bangko sa pagpapadala ng remittances.

Paliwanag pa ng kongresista na kapag nagkaroon ng access ang mga OFW at kanilang kaanak sa  “hedging contracts” ay kanilang mapo-protektahan ang remittances nila sa pamamagitan ng pagpayag na maipalit ang kanilang dolyar sa isang permanenteng exchange rate.

Kung magpapatuloy aniya ang kawalan ng permanenteng rate sa mga dolyar ng mga OFW ay magbabawas ang mga ito ng gugol o gastusin upang makatipid.

“For example, a family receiving a $500-monthly remittance has effectively lost some P1,500 monthly compared to a year ago. Ironically, the household is losing the buying power at a time when virtually all commodity prices are soaring,” sinabi pa ni Ty.

Nitong nagdaang linggo ay ipinahayag ng HSBC Holdings, isa sa pinakamalaking banking and financial services institutions sa buong mundo na maaaring pumalo sa P37.50 kada dolyar bago matapos ang 2011 at P35.50 pagsapit naman ng 2012.

Nitong Biyernes ay nagsara ang palitan ng piso kada dolyar sa P43.40 na ang ibig sabihin ay tumaas ang piso ng 6.5 porsiiento o halos P3 kada dolyar kumpara sa parehong buwan ng nagdaang taon. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply