Prexy ng CENRO-Samar dedo sa riding-in-tandem

NILIKIDA ng dalawang armado na magka-angkas sa motorsiklo ang tagapa-ngulo ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng San Juan, Sta. Rita, Samar sa mismong harapan ng bahay nito sa Tacloban City.

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, isinagawa ang pamamaslang bandang alas-6:30 ng gabi sa Brgy. 109-A, Phase 4, ng V and G Subdivision, sa nasabing siyudad.

Sa inisyal na pagsisiyasat ay sinasabing lulan ang biktimang si Pierre Gillo ng Pajero na kulay gray, may License Plate no. YEY-696 at may kasamang hindi pinangalanang babae.

Bigla umanong dinikitan ang sasakyan nito ng dalawang salarin na lulan ng motorsiklo at sunod-sunod na pinaputukan gamit ang kalibre .45 pistola.

Hinala ni P/Sr. Supt. Wilson Caubat, hepe ng Tacloban City Police Office (TCPO), maaaring may kinalaman sa trabaho ng biktima ang isa sa motibo para paslangin ito.

Sa salaysay ng kapatid ni Gillo, noon pa man ay nakatatanggap na ito ng mga pagbabanta sa kanyang buhay.

Sinasabing nakita pa ng mga barangay tanod ang mga salarin ngunit hindi na nila inabutan.

Samantala, pinabulaanan ni Caubat na may kinalaman ang riding in tandem suspects sa pagpatay sa ilan pang mga opisyal ng Tacloban noong mga nakaraang buwan. Verlin Ruiz

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply