Presyo ng gatas magtataas ngayon

TINATAYANG sampung porsiyento o limang piso ang madadagdag sa presyo ng ilang piling powder at liquid milk simula ngayon, Martes.

Nabatid sa ilang milk manufacturer amg dadag presyo ay bunsod ng pagtaas din ng halaga ng mga pangunahing sangkap na ginagamit sa gatas.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay nagbigay na ng impormasyon si Trade Secretary Gregorio Domingo na tumaas na ang presyo ng gatas sa merkado.

Ayon kay Domingo, ipinaalam na ng mga manufacturer ang ganitong hakbangin bago pa nila ito aktuwal na isinagawa. Marjorie Dacoro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply