Presyo ng gatas magtataas ngayon

TINATAYANG 10 porsiyento o limang piso ang madadagdag sa presyo ng ilang piling powder at liquid milk simula ngayong araw.

Nabatid sa ilang milk manufacturer, bunsod ito ng pagtaas ng mga pangunahing sangkap na ginagamit sa gatas.

Matatandaang noong nakaraang linggo, nagbigay na ng impormasyon si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregorio Domingo, na nagtaas na ng presyo ng gatas ang merkado.

Ayon kay Domingo, sinabi na sa kanya ng ilang manufacturer ng gatas na magtataas sila ng presyo, dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng sangkap nito. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply